Thursday, July 06, 2006

Paghaharap

hindi pala madaling humarap sa isang paglilitis. trust me, naging isa na ako sa spectator ng isang paghaharap, maging sa office man o sa city hall. yun pa lang naman. kahit nanonood ka lang eh nakakakaba yung pag-question sa pagkatao nung nasasakdal at nagsasakdal. grabe, hindi na yata ginagamit yung word na 'sakdal'. may kasalanan ka man o wala, pero kung yung pagtatanong sayo eh implied lagi na "aminin mo na kahit di mo ginawa", nakakatakot. may psychological effect nga sya sa tao. dati akala ko parang wala lang, sabi ko pa nga eh bakit naiyak yung witness or yung tinatanong kung wala naman syang kasalanan. pero sa mga paghaharap na ganito, iba na talaga yung actual, hindi tulad nung napapanood mo lang sa tv.

ang magandang part lang eh kung yung pinapanigan mong side eh nanalo. o di kaya eh nabuking na yung dine-deny nung isang side. masaya yung feeling pag ganun. tipong "Legally Blond" yung eksena. kahit na may paghaharap at paglilitis, cool pa rin. ^_^


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home