Thursday, September 28, 2006

Gising Na

bakit uso ang 'attitude problem' at ang issue na kasama nito? andami kasing side comments ng iba sa kung ano ang hindi kayang gawin ng iba pa o di kaya'y dun sa mga pangit nilang nagagawa. and i even hear both sides lagi. mahirap i-absorb ang bawat panig. mahirap ding magsalita laban sa iba. kadalasan, takot namang humarap sa taong tinutukoy. hindi man takot eh laging sa ibang tao nagkukwento about sa iba pang tao. syempre, yung mga yun ay may basis naman, hindi naman kasi mapag-uusapan kung walang pinagmulan. kung hindi naman yun totoo, eh di wala, wala dapat magalit or mag-react. pero sa napapansin ko eh hindi 'daw' ang mga naririnig ko kundi mga actual na sinabi sa kanila ng mga taong nakausap nila. kaya para sa mga hindi pa mulat sa attitude problem nila, dilat na, gising na. ^_^


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home