Tuesday, June 10, 2008

PBB Teen Edition Plus

Di nadaig ng PBB Teen Edition Plus ang previous season ng PBB (PBB Season 2). Mababa kasi ang number of votes ng mga hinirang na Big Winner. Wala na sigurong tatalo pa sa Wendy-Bea issue noong PBB Season 2. Dapat ata talaga may magtalo, mag-away, o di magkasundo para may twist and spice ang isang season nila. Syempre people will take a side pag ganun and it somehow adds flavor to the show. Di maiiwasan ang mag-comment sa bawat episode. Di rin halos makakabitiw ang audience kasi gusto nila malaman kung ano sumunod na nangyari. Eh kung wala nito at puro success and failure sa task lang ang meron, common na lang yun, dalawa lang naman talaga ang outcome sa bawat task eh, success or failure. Imagine a film, a story, a movie without a single villain or conflict. Kung common ang makikita mo sa isang episode at walang kasuba-subaybay, di nga ito masyadong magki-click.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home