Friday, March 27, 2009

Kinalbo Ginahasa Kinulong

Isang babae ang pinakalbo ng kanyang amo. Umarkila pa ng ibang tao upang isagawa ang pangangalbo. Gumamit ng electric razor, gunting, at suklay. Ayun, matapos itong isagawa ay pinakawalan din muna ang babae.

Oo, "muna", dahil makalipas ang isa o dalawang araw, nagbayad naman ang amo nito upang ipagahasa siya. Walang kamalay-malay ang babae nang siya'y binitbit at dinala sa lalakeng arkilado upang pagsamantalahan siya. Matapos mangyari ang panghahalay ay iniuwi siya muli ng kanyang amo.

Hindi pa natapos dun ang pangyayari, ang babaeng kinalbo at ginahasa ay siya pang kinulong! Ayon sa kanyang amo, nararapat talagang ikulong ang babaeng ito. Kawawang babae.

Ang babaeng ito ay nagngangalang Cali. Siya ang aming aso. Ang shih tzu ng kapatid ko. Siya ay kinalbo dahil sa buhol na mga buhok nito. Siya rin ay pina-mate upang magkaroon na siya ng mga puppies. Siya rin ay kinulong muna dahil baka sa sobra nitong kaharutan ay hindi matuloy ay kanyang pagbubuntis.

Walang krimeng naganap sa sanaysay na ito. Okay?


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.