Monday, August 28, 2006

Sampung Bakit

bakit hindi siya mahal ng karamihan?
bakit mahirap siyang tanggapin bilang siya?
bakit ilag ang tao sa kanya?
bakit walang may lakas ng loob kausapin siya?
bakit mas marami ang pabalat-bunga kaysa totoo?
bakit ngiti ang binibigay sa kanya kahit yamot na ang tao?
bakit kaunti ang may pakialam sa kanya?
bakit mahirap siyang pakisamahan?
bakit mas marami ang nakikitang mali kaysa tama sa kanya?
bakit marami ang irita sa kanya?

marami pa sanang bakit ngunit hindi ko naman alam ang dahilan. sabagay, kaya nga bakit eh.

sa una kong tanong, bakit hindi siya mahal ng karamihan? maaari akong batuhin ng sagot na hindi naman kailangang mahalin ka ng karamihan o ng lahat ng tao. maaari din akong pukulin ng sagot na mainam pang mahalin ka ng kaunti basta yung kaunti na yun ay totoo sa iyo. tama ang dalawang sagot na ito pero ang ibabalik kong tanong, tunay ba ang ipinakikita ng mga taong ito sa iyo?

sa ikalawa kong tanong, bakit mahirap siyang tanggapin bilang siya? maaari ulit akong pukulin ng sangkatutak na sagot na tulad ng nasa itaas, idagdag pa natin ang sagot na kaunti lamang ang marunong talagang umunawa. ang pabalik kong sagot, magtaka ka kung bakit sa madalas na pagkakataon, sabihin man ng ibang tanggap ka nila, pakiramdam mo'y hindi talaga.

sa ikatlo naman, bakit ilag ang tao sa kanya? bakit nga ba? maaari akong sagutin na nasa iba ang problema dahil ilag ang mga ito, pero ang balik-sagot ko, magtaka kang muli kung bakit ang iba mong mga kaibigan ay natutong ilagan ka.

ikaapat, bakit walang may lakas ng loob kausapin siya? kaduwagan nga ba o sadyang tahimik ang iba? maaari ding umiiwas na lang sila sa mas malalang eksena.

sa ikalima kong tanong, bakit mas marami ang pabalat-bunga kaysa totoo? tinutukoy ko ngayon ang pakikitungo ng karamihan sa kanya. maaari akong sagutin na may problema nga ang karamihan kung pabalat-bunga lang ang kanilang ipinapakita. ngunit tulad nga ng nauna kong sinabi, maaaring umiiwas na lamang sila sa mas malalang eksena. o maaari ding dahil mabait sila. o di kaya'y sadyang wala nang pakialam pa.

ikaanim, bakit ngiti ang binibigay sa kanya kahit yamot na ang tao? hindi ito pagbabalatkayo, isa itong paraan ng pakikisama. dapat lang talaga tayong maging sensitibo sa kung ano na ang nadarama ng iba at sa kung ano ang epekto ng mga aksyon at reaksyon natin sa iba.

para sa ikapito, bakit kaunti ang may pakialam sa kanya? maaari ulit akong batuhin na hindi natin kailangan ng pagpansin at pakialam ng iba. ang balik-sagot ko, dahil din siguro ayaw na nilang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya.

sa ikawalo kong tanong, bakit mahirap siyang pakisamahan? nasa karamihan nga ba ang problema? o sadyang may kakaibang bagay silang ayaw sa kanya?

sa ikasiyam naman, bakit mas marami ang nakikitang mali kaysa tama sa kanya? dahil ba bulag na ang karamihan sa tamang nagagawa niya? o dahil mas umiibabaw ang mali kaysa sa tamang gawain niya? maaari akong batuhin ng sagot na mapanghusga kasi ang karamihan, ang sagot ko naman, sa paghuhusga, doon tinitimbang ang tama laban sa mali.

para sa huli kong naisulat na tanong, bakit marami ang irita sa kanya? bakit nga kaya? sino nga kaya ang may pag-uugaling hindi katanggap-tanggap, siya ba o ang karamihan?

sa dami ng isinulat ko dito, marami ding maiisip ang mambabasa ko. marami ding masasabi at maidurugtong pa. marami ang sasang-ayon at sasalungat sa mga ito. may tatamaan sa pag-aakalang sila ito, may magkikibit balikat, may mapapangiti, may hahanga, may maiirita, magtataka, masusuya, at kung anu-ano pa. pero isa lang ang huling pahayag ko, kung ganito kang tao, magnilay ka; kung hindi ka ganito, matuwa ka at ngumiti ng buong ligaya.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Saturday, August 19, 2006

No Longer

when
i no longer share
i no longer explain
i no longer argue
i no longer smile and say hi
that's the moment
when i no longer care.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Thursday, August 10, 2006

Blind Item Slipped

my crowd has been bugging me to reveal my blind item. i just can't. it's not that i'm afraid or something, it's simply not me - to give out blind items, i usually confront people or talk to them if there's something i don't like about them or in what they do, not make blind items about them. well, yeah, i made a blind item recently but not to spread it out, i made it to enflame my feelings back to what i felt once i read it in the future, aside from poems, articles, etc. it so happen that i've slipped my tongue and shared parts of that blind item to some of my friends and close friends. imagine the combination of their own suspicions with the fact-factor of my blind item, a big thing, hehehe.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.