Paglayo
sa oras na ikaw ay lumayo
isipin mong mabuti kung bakit
wag padalos-dalos sa kilos
pigilan mabuti ang sarili
sa oras na ikaw ay lumayo
wag magtanga-tangahan
makiramdam at wag manhid
lalo na't may pinagsamahan
sa oras na ikaw ay lumayo
umasang may babalikan
tunay na kasama
handang tanggapin ka
sa oras na ikaw ay lumayo
pakasiguro na tama ka
namnamin ang tagumpay
baka desisyo'y sumablay
sa oras na ikaw ay lumayo
baka umikot ang mundo
ang ginawa mong paglisan
sya mo ring maranasan

This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home