Friday, August 24, 2007

Nakarating 01

Nakarating na ba sa'yo?

Nakarating na ba sa iyo na noong kolehiyo ka pa ay marami ang naiinis sa'yo? Na marami ang nagsasabing ikaw ay papansin, bastos ang bibig, at mataas ang tingin sa sarili? Na ikaw ay sadyang nilalayuan at pinag-uusapan dahil sa hindi mo magandang katangian? Na ikaw ay insensitive at mataas lagi ang level of emotion? Na pag hindi mo ito na-control ay nandadamay at namamahiya ka ng tao? Na wala kang pinipiling tao kahit kaibigan mo basta masigawan mo lang ito? Na kapuna-puna lagi ang kilos mo dahil nakakahiya ito at nakakaistorbo sa iba? Ito lang naman ay napapansin ng karamihan, kaya't tinatanong kita, nakarating na ba sa'yo?


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Monday, August 06, 2007

HP7

Hindi ko alam kung bakit kinailangang tumagal para matapos ko basahin ang HP7. Meron kasing magkahalong excitement at lungkot sa sarili ko. Natutuwa ako at nasasabik malaman ang mga magaganap sa book 7, gayun pa man parang ayoko itong matapos kaagad. Para bang sinasabik ko pa lalo ang sarili ko sa mga huling kaganapan. Nais ko pang namnamin nang matagal ang bawat chapter nito. Sa punto kasing matapos ko ito, wala nang kasunod pa, tapos na ang adventure, wala nang karugtong pa. Dito na papasok ang lungkot kung saan parang iniwan ka ng isang bagay na ikinatutuwa mong malaman, makakwentuhan, mabasa, mailarawan sa isip mo. Parang kulang na kapag natapos ko ito. Parang may nawala, may umalis, may natanggal, may naubos, may natapos. Ngunit ganito man ang maramdaman ko, panandalian lang naman ito. Ngayong tapos ko na itong basahin, maiyak man ako o hindi, matuwa, mabigla, mamangha, o ano pa man, alam ko namang isa ako sa sumubaybay at nakiisa sa kwento at laban ng isang wizard na si Harry Potter.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.