Monday, August 06, 2007

HP7

Hindi ko alam kung bakit kinailangang tumagal para matapos ko basahin ang HP7. Meron kasing magkahalong excitement at lungkot sa sarili ko. Natutuwa ako at nasasabik malaman ang mga magaganap sa book 7, gayun pa man parang ayoko itong matapos kaagad. Para bang sinasabik ko pa lalo ang sarili ko sa mga huling kaganapan. Nais ko pang namnamin nang matagal ang bawat chapter nito. Sa punto kasing matapos ko ito, wala nang kasunod pa, tapos na ang adventure, wala nang karugtong pa. Dito na papasok ang lungkot kung saan parang iniwan ka ng isang bagay na ikinatutuwa mong malaman, makakwentuhan, mabasa, mailarawan sa isip mo. Parang kulang na kapag natapos ko ito. Parang may nawala, may umalis, may natanggal, may naubos, may natapos. Ngunit ganito man ang maramdaman ko, panandalian lang naman ito. Ngayong tapos ko na itong basahin, maiyak man ako o hindi, matuwa, mabigla, mamangha, o ano pa man, alam ko namang isa ako sa sumubaybay at nakiisa sa kwento at laban ng isang wizard na si Harry Potter.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

1 Comments:

At 1:29 AM, August 07, 2007, Blogger Faye said...

Hmm, alam mo, cent, may naalala ako sa post mo!!! Si Gauvin!!! Di kaya parang ganun din ang dahilan nya kung bakit mabagal sya kumain? Hahahah!!!

Miss you na, Cent! Mwah!!! :)

 

Post a Comment

<< Home