Tuesday, June 05, 2007

Human Experiment

bilang panimula, mayroon akong napupuna sa isang programa ngayon, napapanahon pero may mga hindi rin magandang bagay dito para sa akin. syempre, hindi ako magbabanggit ng pamagat, ayokong makasuhan dahil lang sinabi ko ang napuna ko. gayun pa man, sa programang ito, ginagawa na nilang human experiment ang mga kalahok. sinusuri kung ano ang magiging reaksyon ng bawat isa. may pinapagawang mga bagay na minsan ay wala nang kabuluhan. inuutusan, sinusubaybayan, minamasdan, at parang pinag-aaralan. sa iba o sa nakararami, ito daw ay atraksyon, nakakaaliw panoorin, nakakatuwa, nakakakaba. pero sa paningin ko nga ay parang human experiment na ang mga kasali. hindi ko magawang habaan pa ito dahil medyo kulang ang mga ideya ko ngayon, pero sa oras na lumawak muli ang sakop ng aking punto tungkol sa programang ito, isusulat kong muli dito.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

1 Comments:

At 1:05 AM, June 11, 2007, Blogger Faye said...

Sa tingin ko alam ko 'to... pag-usapan natin minsan para malaman ko kung tama hula ko.. Hehehe. :D

Kung tama ang hula ko, pareho kayo ng iniisip ng lola ko... :D

 

Post a Comment

<< Home