Wednesday, June 06, 2007

Delicious Age

i remember having an online chat with a stranger. as was the trend, we asked each other's asl (age,sex,location). then after telling him that i'm in my early twenties, the precious reply was this, "ah, delicous age," and i was like where is this chat leading me? hahaha... so i am now in my delicous age. hmmm.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

The Seatmate

isang seatmate ko noon ang lagi kong kinaiinisan. kung mambara kasi hindi na nakakatuwa. sobra makabiro. tapos unti-unti nagiging maayos naman ang friendship namin. alam na nya kung kelan ako hindi dapat biruin, alam ko na kung biro lang ba yung sinabi nya, mga ganun. madalas din eh nagtatalo kami sa mga bagay na sa iba ay mukhang walang kwenta. limitado man ang time na magkasama kami outside school, naging worthwhile naman yung pinagsamahan namin. i admit, minahal ko pa nga sya eh. nitong huli eh naging kumplikado dahil nagkaroon na sya ng minamahal. naging pino tuloy yung kulitan namin, limitado na lang ang pag-uusap namin, hay. hindi naman ako nagseselos, nami-miss ko lang sya.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Tuesday, June 05, 2007

Crush Review

may crush ako ngayon! classmate ko sya sa review center. cute! matangkad, medyo dark, ganda ng smile, pati dimples bagay sa kanya. may brace sya, nice eyes, mukha naman syang hindi mahirap patawanin. left-handed sya. malinis sa katawan, kaya lang minsan ko syang nakita, pawis na pawis, kawawa naman, natuyuan ng pawis sa likod. hay.

then ayun, recently eh nalaman kong taken na pala sya. may mahal na pala syang iba. so sad. medyo nalungkot tuloy ako. hindi kasi maiwasang makita ko sya sa review center eh. ayun, pag nakita ko sya, mapapangiti ako then biglang... ay, may iba na pala to.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Sikat ba 'to?

ngayon naman, may isa akong classmate dati na akala yata nya ay sikat sya. hindi ako magbabanggit ng pangalan pero kung ang makapagbabasa nito ay kilala sya, masasabi nyang tama ako.

ito ang mga bagay na ayaw namin, take note, namin, sa kanya:
1. maarte syang tao, exaggerated lagi ang emotions nya
2. sobra taas ng tingin nya sa sarili nya
3. palautos sa kaibigan, at nagagalit pag hindi sumunod
4. kung may pangyayari na nahihirapan ang lahat, sya lang ang akala nyang nahihirapan
5. naninigaw ng kaibigan kahit sa harap ng ibang tao
6. bastos ang bibig pag hindi na nakontrol ang sarili
7. alalay nya ang mga kaibigan nya
8. social climber, madikit sa taong magagamit nya
9. insensitive sa pandinig ng iba, maingay kasi
10. nanghahalay ng mga type nya, hahaha

sobra ba akong makapag-describe? hahaha. totoo naman kasi yang mga yan. hindi lang ako ang nakakapansin. idagdag pa ang ilang buwan at taon kaming naging mag-classmate.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Human Experiment

bilang panimula, mayroon akong napupuna sa isang programa ngayon, napapanahon pero may mga hindi rin magandang bagay dito para sa akin. syempre, hindi ako magbabanggit ng pamagat, ayokong makasuhan dahil lang sinabi ko ang napuna ko. gayun pa man, sa programang ito, ginagawa na nilang human experiment ang mga kalahok. sinusuri kung ano ang magiging reaksyon ng bawat isa. may pinapagawang mga bagay na minsan ay wala nang kabuluhan. inuutusan, sinusubaybayan, minamasdan, at parang pinag-aaralan. sa iba o sa nakararami, ito daw ay atraksyon, nakakaaliw panoorin, nakakatuwa, nakakakaba. pero sa paningin ko nga ay parang human experiment na ang mga kasali. hindi ko magawang habaan pa ito dahil medyo kulang ang mga ideya ko ngayon, pero sa oras na lumawak muli ang sakop ng aking punto tungkol sa programang ito, isusulat kong muli dito.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

I Have Returned

sisimulan kong muli ang magsulat. wala akong pakialam kung may magbasa nito o wala. pero sa tingin ko, sa oras na mabasa mo ito, susundan mo pa kung ano ang iba ko pang mga isusulat.

maniwala ka. hindi ka bibitiw, maghihintay ka sa kung ano pa ang nais kong sabihin, maaaring para sang-ayunan mo ako o di kaya'y para kontrahin. pero ako, susulat pa rin ng nais kong sabihin.

mula ngayon, isasakatuparan ko na ang pagiging mapanuri ko. isusulat ko na ang mga napupuna ko. mag-ingat ka sa mga ibabatong salita sa akin dahil baka hindi naman tungkol sa iyo ang isinulat ko, tinamaan ka lang.


Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.